Pagtugon sa Nangangailangan

Unang buwan pa lang sa pagkakaupo sa pwesto ang mga nahalal na opisyal ng AFET ay sinalubong na ito ng isang tawag upang tumugon sa isang pangangailan ng ating kababayan dito sa East Timor. Ito ang kwento ni Allan, isang manggagawa sa sector ng construction na tubong Zamboanga at nakatira sa Fatuhada, Comoro. Nakapag-asawa ng Timorese at may 5 buwang gulang na anak.

Sa pangalawang meeting pa lang ng AFET board noong Enero 2007, naihain na ang kaso ni Allan. Napagpasyahan ng mga opisyal ng AFET na kailangang matugunan ang kaso ni Allan. Bilang aksyon, dalawang bagay ang kailanganing gawin: Mai-locate kung nasaan si Allan; At maidulog ito sa bahay pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas ang kanyang kasalukuyang karamdaman. Ito’y gagawin ng grupo sa pamamagitan ng pikikipag-ugnayan sa ating embahada (Philippine Embassy office) dito sa East Timor at sa awtoridad.

Malaking tulong ang naigawad at naibahagi ng ating embahada sa pamamagitan ng ating Consul na nagbantay sa ospital kay Allan noong una siyang dinala sa pagamutan. Umabot ng isang linggo ang pagpahinga at pagpapagaling ni Allan sa ospital. Ang mga opisyal ng AFET at ilang kaibigan ni Allan ang nagpalitang binisita si Allan sa ospital. Nagbigay ng mga pagkain ang ilang board members ng AFET at ang embahada upang matugunan ang pangangailangan ni Allan. Sa awa ng Panginoon, naka-recover si Allan sa loob lang ng isang linggo. Sinuportahan pa ito sa pangunahing pangangailangan nila sa bahay ng ilang mga officers ng AFET.

Sa kabilang dako naman, naipakita muli ng AFET na handa itong tumulong sa kanyang mga membro at mga kababayan na nangangailangan lalo na kung ang pinag-uusapan ay buhay at seguridad ng bawat Pilipino.

Malaking pasalamat ng lahat at ni Allan sapagkat nakapiling nyang muli ang kanyang asawa’t anak at ngayon ay nananatili at patuloy na nakiki-baka sa buhay para sa kanyang pamilya dito sa East Timor. Sa lahat ng mga kababayan nating tumulong, pina-aabot ng AFET at ng ating Emhabada ang mataimtim at malaking pasasalamat. Pagpalain nawa tayong lahat.