"Kapuso Kita" Valentine's Party
A
ng AFET 2007 Board ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng Pinoy, dayuhan at Sponsors na sumuporta sa nakaraang “Kapuso Kita” Valentine’s Party noong Feb. 17, 2007 sa Asian Food Restaurant. Dahil sa inyong lahat, ito ay matagumpay na naipagdiwang. Nabusog ang tiyan at ang puso, kinilig sa mga awitin ng kalahok sa kantahan, nagkakilala ang mga Pinoy na datihan at baguhan, nadagdagan ng mga kaibigan, at bumata ng 10 taon sa sayawan! Binabati namin ang mga nanalo sa Couples of the Night; Matching Game; Libreng Gupit at Consolation Prizes. Iba ang Pinoy! Kahit saang bansa makikita at mapapatunayan mo na nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat Pilipino. Kaya, sulong Pinoy!!!Ang mga nanalo sa Duets Singing Contest ay sina:
1st Place: Pearl Leonardo & Boyin de Loyola
2nd Place: Rosmalyn Salvador & Erwin Enriquez
3rd Place: Leo Guinoo & Gilda