Sulat ng Pakikiramay Para sa Pamilya ni Evelyn Torres

Sa Aming Minamahal na Pamilya ni Evelyn Torres,

Unang-una po, mula sa mga kasapi ng Association of Filipinos in East Timor (AFET), kami ay nakikiramay sa pagyao ng inyong mahal na anak. Kami ay patuloy na nanalangin na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan kasama ng ating Panginoon. Ipinapanalangin din po namin na sana ay maluwag ninyong matanggap ang kanyang pagpanaw.

Sa tulong po ng mga miyembro ng AFET, at ng iba pang mga kaibigang Pilipino, kami ay nakapaglikom sa unang collection ng halagang $935.00 na ibinigay na namin sa inyo noong July 10, 2007 sa ospital. Noong July 16, 2007, ang halagang $152.00 na ibinihagi ng Penta Ocean ay ibinigay kay Jeng Rebollos na inyong kamag-anak. Sa pangalawang pagkakataon po ay nakapaglikom muli ang AFET ng halagang $691.00 na mula sa dayalogo kay Pangulong Fidel V. Ramos noong July 12, 2007 at sa social fund ng AFET. Ayon po kay dating Pangulong Ramos, ipinapaubaya po niya sa AFET ang pamamahala sa nalikom na pondo. Maaari daw po itong gamitin para sa iba pang mga nakatakdang gawain ng asosasyon para sa mga kapatid nating Timorese at iba pang mga Pilipinong nangangailangan ng pinansiyal na suporta katulad ni Evelyn. Ngunit sa nakita po naming pangangailangan ng pamilya, ay nagdesisyon po kami na ibigay ang lahat ng nalikom kasama po dito ang social fund ng AFET.

Ipagpaumanhin po ninyo na hindi namin ito naibigay sa inyo dahil naging abala po kami sa paghahanda sa pagdirawang ng ating araw ng kalayaan noong Linggo (July 15, 2007) at abala din po kami sa mga gawain sa aming mga kaniya-kaniyang trabaho.

Kalakip po nito ang lishatan ng mga tumulong:

1. UNPOL Filipino Contingent - $ 522
2. Sports Fest galing sa Palarong Pinoy - $ 216
3. Mula sa collection sa simbahan - $212
4. Penta Ocean - $ 137
5. Galing sa dayalogo with FVR at social fund ng AFET - $ 691
6. Galing sa isang International UNV - $ 100

KABUUAN NG NAKOLEKTA = $ 1,878
Kami po ay nagpapasalamat na kahit po sa kaunti naming kakayahan, kami ay nakatulong upang mabawasan ang inyong pangangailangan at pangungulila sa inyong mahal na anak.

Dalangin po namin ang inyong mapayapa at ligtas na paglalakbay. Patnubayan nawa kayo ng Panginoon ngayon at sa mga susunod pang araw.

Nagmamahal,
Mga Opisyales ng AFET